ADVISORY: WALANG PASOK | LUNES, SEPTEMBER 22, 2025
Batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), minabuti ng ating Punong Bayan Joey Aberin Ramos na ikansela ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pampribadong paaralan bukas, Septyembre 22, 2025, bilang paghahanda sa pagdating at inaasahang paghagupit ng #BagyongNando.
Gayunpaman, magpapatuloy ang klase sa pamamagitan ng modular learning activities ang mga mag-aaral upang manatiling produktibo sa kani-kanilang tahanan.
Para sa inyong kaligtasan, pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, mag-ingat, at sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa Lokal na Pamahalaan.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1ZdcvwAUa8/