Skip to main content

29 Seasonal Workers mula sa Peñaranda

Sa ika-1 ng Disyembre, 2023, naglakbay sa Goheung – Gun County, South Korea ang ating Punong Bayan Kgg. JOSELITO A. RAMOS, upang ihatid ang 29 seasonal workers mula sa Peñaranda na pinalad na napili upang magtarbaho sa nabanggit na lugar. Kasama ni Mayor Joey ang kanyang maybahay na si Gng. Gemma I. Ramos at ilang kawani at opisyal ng ating bayan na kinabibilangan nila Coun. RINA MERCADO, Mun. Admin BENJAMIN H. AVES, JR., MPDO, JAMES ANDRE M. PARAS, at PESO Officer JOSEPH MABALAY at iba pa.
🇵🇭🤝🇰🇷Kaugnay nito gamit ang sariling pondo ay nagbigay din si Mayor Joey ng halagang 5,000,000.00 Korean Won o katumbas ng Php 225, 000.00 bilang donasyon na ilalaan naman ng Gohueng -Gun County para sa kapakanan ng mga mangagawang mula sa Peñaranda sakaling kailanganin nila ang agarang tulong ( for emergency ).
Bilang pasasalamat naman ay naggayak ng sorpresang “Welcome and Turn Over Ceremony” ang naturang lokal na pamahalaan na pinangunahan ng kanilang Punong Bayan na si Kgg. YOUNG – MIN KONG kasama pa ang ilang mga lokal na opisyales.
Naghandog din ng hapunan ang naturang pamahalaang lokal kung saan itinampok at ipinatikim kay Mayor Joey at mga kasama ang lokal na mga putahe kung saan kilala ang kanilang lugar.
📷ctto

Official Website of Municipality of Peñeranda