🚨 PEÑARANDA, MAY LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA INYO! ❤️🩺
Mga minamahal na mamamayan ng Peñaranda, magpunta at samantalahin ang PUROK KALUSUGAN, isang medical mission hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Peñaranda, sa pamamagitan ng Rural Health Unit, sa pangunguna ni Mayor Joselito A. Ramos, kasama si Vice Mayor Genefer Aves at ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pakikipagtulungan ng Meralco Terra Solar.
OKTUBRE 02, 2026 (BIYERNES)
NEUST GYMNASIUM, POBLACION II, PEÑARANDA
May mga doktor na magsasagawa ng konsultasyon at pagsusuri upang matulungan ang ating mga kababayan na mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
May mga gamot na ipamamahagi sa mga pasyenteng nangangailangan, depende sa resulta ng konsultasyon at availability ng gamot, sa suporta ng Meralco Terra Solar.
Magpunta kasama ang inyong pamilya, mga magulang, kaanak at kapitbahay at samantalahin ang mga LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL na inilaan para sa ating komunidad.
Maaaring ang simpleng pagpapatingin ngayon ay maging mahalagang hakbang para sa mas maagang pagtukoy ng mga kondisyon at mas maayos na pangangalaga sa kalusugan.
MAGPUNTA.